💥HERO Recipe to Make Chocolate from Cacao💥
Mga k FOOD TRIP hndi n need ng imported n chocol8 dahil
mas masarap yung sariling atin chocol8👌👌👌
Ingredients:
Cacao Fruit
Sugar
Procedure:
1. Buksan ang bunga ng cacao, kunin lamang ang buto, ilagay sa isang lalagyan, itabi ng 3 araw.
2. Pagkatapos ng 3 araw, hugasan ang mga buto ng 5 beses hanggang sa mawala ang kulay puting nakabalot sa buto.
3. Ibilad sa init ng araw ang mga buto ng 7 hanggang 10 araw.
4. Makalipas ang 10 araw, maari nang isangang ang mga buto, walang mantikang gamitin, tustahin hanggang maging kulay dark brown.
5. Durugin nang bahagya ang mga buto upang humiwalay ang laman at ang balat.
6. Tahipan ang dinurog na mga buto, upang matanggal nag mga balat.
7. Gilingin ang durog na buto, sa unang giling buto lang muna, sa pangalwang giling may kasama na itong puting asukal, gilingin ng 2 beses.Nasa sa inyo na po kung gaano kadami ng asukal ang ilalagay nyo depende sa tamis na gusto nyo.
8. Magiging mamantika Ito, maari nang hulmahin sa nais na hugis.Sarap. 😍
Discussion about this post